∞  Butch-27-Single and Broken... I almost believed that "Us" do have a happy endings too... but I guess forever can only last for 10 years ∞  My name is Raine and this blog is all about bitterness.. uLOL! :D Raine Felizardo | 

25th May 2013

Link reblogged from between the bass and the treble with 2 notes

between the bass and the treble: It ain't the 29th yet, but still: On Fate and Selflessness →

notyoursister:

What if we met in another place, in another time? Perhaps if fate is true, we will fall in love no matter the circumstance. That in any situation, although different from the present effective conditions that we fell for each other, in my little heart I will find you amusing, still. Will want…

10th January 2013

Photo with 4 notes

Tagged: brokenheartemosadrainstickman

31st December 2012

Photo

Try and try :D 

Try and try :D 

29th November 2012

Post

Balita?

Namatayan ako ng aso. Sabi ng mga ka officemate ko para daw tao ah, lungkot na lungkot at nanlulumo. Hindi ako kumibo, wala na akong lakas mag explain sa kanila na kesyo ganito, ganyan kasi ang bonding namin, kasi hindi nila maiintindihan ang level ng closeness namin ni boy. Para sabihin ko sa inyo, hindi naman ako pala labas na tao eh, lagi lang ako nakakulong sa bahay at nililibang ang sarili ko sa pagbabasa ng libro, pag iinternet at pag lalaro ng games. Yun lang ang ginagawa ko, wala ng iba, pero minsan syempre gusto mo ng kausap kaya dito papasok si boyay ang aking aso, nakikinig kasi yun, minsan pag paulit ulit ako ng sinasabi hihikab na lang yun at tatalikod. Minsan pag gutom ako at gusto kong pumunta ng kusina (hiwalay ang kusina namin sa bahay namin) nagpapasama pa ako kay boy, pupunta kami sa kusina at kakain sa dis-oras ng gabi. 

Sa tingin ko, ang gusto kong sabihin ay mahirap mamatayan ng aso na walang nakakaintindi sayo, kasi iba iba rin ang treatment natin sa mga hayop. May iba na talagang asong aso lang ang tingin sa mga aso (ano ba yan, paulit ulit) mahahalata mo naman sa pangalan na binigay sa aso, Bantay. Bantay! bantayan mo ang bahay ha, kundi wala kang kakainin, Tumahol ka pag may tao ha, kagatin mo ang pumasok dito. Ayan, yang tipong ganyan ang sinasabi ko, Gamit lang baga ang tingin sa aso at kelangan pagsilbihan sila. Meron naman na pang companion ang tingin sa aso, dito ako papasok sa kadahilanan na kaibigan kong matalik ang aking aso, binigyan ko pa nga siya ng apelyido sa sobrang pagkagusto ko sa kanya,  sa maniwala kayo at hindi, pag may problema ako, sasabihin ko lang sa kanya lalo na pag medyo badtrip ako, ayun! sasabihin ko lahat sa kanya, pati mura at kung ano ano pang masasakit na salita, at pagkatapos nun, okay na uli ako. sa iba hindi maiintindihan ito kasi hindi naman nasagot ang aso hindi katulad ng tao na bibigyan ka ng payo, eh wala akong pakialam kasi hindi ako nanghihingi ng opinyon, kasi pag dating sa mga problema, ugali ko na talaga na hindi nagsasabi, wala rin naman magagawa eh, ikaw naman ang magdadala ng magiging desisyon mo, kung hihingi ka ng opinyon ng iba mas lalo kang maguguluhan sa talagang dapat mong gawin kaya wag na. 

Namimiss ko ang aso ko ngayon, masakit pa rin sa loob na parang may kulang sayo. 

Namimiss ko ang balahibo niyang makalat na laging nadikit sa PS3 ko, ang tahol nya na nagsasabing ilabas mo ako kung hindi ay iihian ko ang sofa mo. Maraming bagay ang namimiss ko sa kanya, ang nakakapagtaka lang, sa tuwing wala na akong ginagawa eh laging bumabalik sa akin ang imahe nung binuhat ko ang matigas na niyang katawan at inilibing ko na siya. Paulit-ulit na lang. 

Siguro may parte sa utak ko na ayaw tumanggap na patay na nga si Boyay. 

Sa dami dami ng nakasaksak dito sa utak ko, ang pangyayaring ito ang hindi ko matakasan, nagsisimula pa lang akong umakyat ng tore… ang imahe na agad ni Lighto ang nakikita ko at doon, matutulala at uupo sa isang sulok at magtatanong kung patay na ba talaga ang aso ko… Sa dami ng tinakbuhan ko sa buhay, ang mga problemang dinala ko lahat sa puting tore para sa pekeng aliw at sandaling kalayaan. Sa pagkakataong ito, hindi ako sanay na walang tore, ang sakit na nararamdaman ko ay buong buo. Walang Cristine at Mazda 3 ang makakapagpabago neto. 

….Ang buong akala ko lamang ako sa mga tao, na kaya kong kontrolin ang pakiramdam at pag-iisip. Balewalain ang mga bagay at damdamin kapag hindi na kelangan. Ang impormasyong walang magandang maidudulot ay itapon  at kalimutan. Ang pagkabigo at sakit ay panandalian lamang. Lahat ng ito, hindi ko na magamit.

Nasira na? Normal na ba ako? 

_______________________________

Note to Self: Tao ka. 

Lesson: Lahat may katapusan, sana lang hindi ganung kabata nawala si boy…

Mood: Nagluluksa. pero sa mga susunod na araw, malamang tanggalin ko ito.

Pangit. Gusto ko lang maglabas ng saloobin. Sa reyalidad at sa personal.

20th November 2012

Photo

Iniwan mo na ako, masakit pero hanggang dito na lang pala tayo magsasama, kung alam ko lang di sana hindi na ako gumawa ng ibang bagay at nilaan ko na lang lahat sayo, Sobrang sakit, gusto kong sumigaw at tumakbo hanggang sa hindi na ako makahinga. Gusto kong tawagin ang pangalan mo pero alam ko wala na akong maririnig na sagot, gustong gusto kong pumunta kung nasan ka para kahit isang minuto lang makausap ka, Gusto kong humingi ng tawag sa mga panahong hindi kita inintindi. Kahit anong gawin ko hindi na kita makikita, kung hindi sa mga litrato na naiwan mo na napakasakit tingnan para sa akin dahil alam ko pag lingon ko hindi na kita makikita. Sa umaga pag gising ko, ikaw agad ang binabati ko ng magandang araw, paano bukas? kanino na ako babati? Sa pagkain ko, wala na akong hihintayin, sana hindi mo iniisip na pabigat ka sa akin, nung mga panahon na nag-uuulan,  kelangan kitang puntahan para kamustahin, walang kaso sa akin ang mabasa sa ulan dahil hindi ko naman ito ikamamatay, inalala kita kasi baka kelangan mo ng tulong ko. Kung minsan iniisnab mo ako pero nilalambing pa rin kita. Alam mo, ikaw ang pinakamahalaga sa akin, iniisip kita halos araw-araw, lalo na pag pauwi na ako at baka ayaw mo ng ulam, alam ko naman ang paborito mo eh, Chicken! Sana sa maikling oras na nagkasama tayo, nasa naramdaman mo na mahal na mahal kita, wag ka sanang magalit sa akin kung minsan akala mo pinababayaan na kita. Kung nasan ka man ngayon sana minsan dalawin mo ako, kahit sa panaginip lang, sana ibigay mo sa akin to.
Eto ang masakit pag ikaw ang nawalan, Gustuhin ko man na magmukmok at magkulong sa kwarto, gustuhin ko man na umiyak ng umiyak hanggang sa maging okay na ako pero hindi pwede dahit hindi hihinto ang mundo sa mga ganito. Bukas, kahit wala ako sa mood na magtrabaho wala akong choice kundi hatakin ang katawan ko at pilitin na magtrabaho, hindi ko naman pedeng idahilan na nawalan ako kaya pedeng hindi na lang pumasok. Sabi nila, Oras ang kelangan ng mga tao sa mga panahon ganito, Tama naman sila, sa una masakit pero sa habang tumatagal ay nawawala na rin ito, maaalala mo siya pero hindi na ganoong masakit pero ang “lungkot” eto yata ang hindi na mapapawi, dahil kahit alam mong hindi mo na iniinda ang sakit dahit natanggap mo na wala na nga siya, ang lungkot naman ang papalit at maiiwan, ang presenya niyang hinahanap hanap mo at ang nakagawian nyong mga bagay ang maaalala mo. Lungkot, eto ang papatay sayo, pede kang mag busy-busyhan pero ang katawan ng tao napapagod rin, pagkatapos noon, nagiisa kana uli, Lungkot, nandiyan nanaman. Butas na ang puso mo at hindi na papupunan pa, kung matiyaga ka, hahanap ng solusyon ang utak mo para i-counter lahat ng nararamdaman mo, isasaksak nya ang “logic” lahat naman mamamatay, unaunahan lang iyan. Malungkot ka pa rin sabi ng utak, isa lang solusyon diyan, maghanap ka ng katulad niya. Gusto mo bang bulukin ang sarili sa lungkot? wag mong sayangin ang buhay, mag enjoy ka hanggat kaya mo. Or pede mong gawin ang ginagawa ko, pang habang buhay nga lang ito. Memorya mo lang ang pambayad at minsanan mapagkamalan baliw, gusto mo?  tatakbo ka lang, yun lang. Tatakbo ka sa mga problema sa buhay at gagawa ka ng mga senaryo sa utak mo na pabor lahat sa iyo. Gagawa ka ng sarili mong mundo na kontrolado mo. Kaya kung may problema ka dito, pumunta ka sa tahimik na lugar at magsimulang maggawa ng mga senaryo na gusto mo, Tandaan mo lang mabuti para merong pang to be continue at nakakapagod naman kasi ang mag imagine pag marami na.

Pero sa pagkakataong ito, ayaw kitang dalhin sa peke kong mundo, yon ang maibibigay ko. Igagalang ko ang memorya mo at ayaw kong maging zombie ka boy, basta ipangako mo lang na ingatan ang sarili mo para pag oras ko na, gusto ko ikaw ang sumundo sa akin para makapaglaro uli tayo.
Paalam na sa pinakamamahal ko, Lighto Boyay, hanggang sa muling pagkikita.

_______________________
Lighto (Boyay) Boya boy
Oct. 16, 2008 - Nov. 19, 2012 

15th October 2012

Photo reblogged from Stay Hungry, Stay Foolish with 63 notes

alisyn-nicole:

always reblog The Spice Girls

alisyn-nicole:

always reblog The Spice Girls

Source: paul-mccartneys-cheeks

26th July 2012

Photo

Ikaw ay lasing na lasing na
Alak ay umakyat na sa utak
Bat di pa umuwi at ipahinga
Di yung mag-aamok ka pa

Sa impluwensya ng alak
Yan ang lagi mong trip
Lahat ng lumalabas sa bibig
Mga sinasabi mong walang basehan
Ang kumukulong dugo
Sa hindi malamang kadahilanan
Lahat yan pilit kong inunawa
Dahil pagkatapos ng lahat
Mabuti kang kaibigan
Maaasahan at mabait
Kakwentuhan at sabihan na rin ng problema
Yan ang tingin ko sayo 
Pag wala pang epekto ang bisyo mo

Naisip kong magtanong kung bakit
Bakit tayo nagkaganito? Bakit ka naging ganyan?
Nilayo ko ba ang sarili ko dahil di kita masakyan?
O nadala ka ng bisyo mo at dun nagpasasa
Gusto kitang abutin 
Iahon sa lunod mong hilig
Gusto kong makita kang masaya
Na hindi ginagamitan ng bote at baso

Pero sa pagkakataong ito
Ako na ang nasaktan mo
kaya’t hanggang  dito na lang ako
Sarili mo’y tulungan mo…

~Sa Dating Kakilala

9th July 2012

Post with 2 notes

Facebook Cover

Tagged: rainbowgay pride

26th June 2012

Post

My word is my bond

What is it that you want?

Haven’t you had enough?

You kept coming and coming

Looking for all sorts of things

So I got your stuff boxed 

And is ready for pick up

You don’t have to remind me

Every time you feel like getting it.

I wonder…

Do you wish to desire everything?

As selfish as it may seems

And you think I just gonna let you win?

I’m not bitter, I’m just saying

For my own understanding

We made one rule, One promised

So I can’t and I won’t bend 

Because you have my word. 

Tagged: promise

26th June 2012

Photo

Tagged: Scary tree