∞  Butch-27-Single and Broken... I almost believed that "Us" do have a happy endings too... but I guess forever can only last for 10 years ∞  My name is Raine and this blog is all about bitterness.. uLOL! :D Raine Felizardo | 

26th November 2011

Photo with 20 notes

Pastillas Ni Mang Rey
        Kagabi pagkagaling ko sa work, pauwi na, nasa bus, antok, sinaksak ang headphone at nag soundtrip para malibang naman. Ganyan ang excena ko hanggang bacao, paidlip na sana at jampak ang bus, maya-maya may nag-abot sakin ng sulat, eh ako naman walang paki sa mundo, walang naririnig sa lakas ng tunog ng headphone, tinabig si kamay sa pag-aakalang pakulo nanaman ito ng mga batang may sobre na namamalimos sabay tingin ng masama sa may-ari ng sulat, eto namang si manong matiyaga, si sulat dinampot at inilapag sa binti ko, di wala akong magawa saka na curious ako kasi ba naman eh computerized na, bongga! sosyalen si manong, grabey! nagtitinda pala sya ng pastillas, ang tiyaga nya ha habang nakatayo at salita ng salita, explain kung explain talaga ang tema kung bakit siya nagtitinda sabay aksyon pa nga eh, ganadong ganado si manong at panay ang ngiti habang si manong tsuper naman aba! talagang hindi hininaan ang musika at patay malisya na yung isang manong eh puputok na ang litid sa pasigaw na pananasalita para lang maintindihan at makatawag ng atensyon sa pasahero. Pagkatapos ng salitaan at mukhang napagod si Manong Rey at napasandal siya sa tubo ba yun o bakal na basta pag sumakay kayo ng baby bus, (hindi yung kapitan sa may bubong ha! pano kaya sasandal si mang Rey dun aber! mali ang iniisp nyo kung yun ang tinutukoy ko… mali!) yung nakadiretsong kapitan na minsan na akong nauntog sa sobrang antok, tsk! ano ba naman tong utak ko oo! kung ano anong extra ang naiisip eh,o sya at balik tayo ke pastillas. Naglabas si manong ng pastilyas, sabay alok ke pasahero… Pinanuod ko siya, tiningnan ko at pinagmasdan mabuti… Ang mga pinoy talaga maparaan magimik at matiyaga… kung bibigyan tayo ng pagkakataon, at resources, grabe! uunlad talaga ang mga pinoy, beh! mas magaling pa tayo sa mga instik dyan eh! sayang lang at yung iba talaga kulang sa budget pero ang utak naman sigurado ako patok sa idea kung pano kikita. Katulad ni Mang Rey nagtitiyaga magtinda kahit na yung iba di sya pinapansin eh go pa rin. hala sige! abot ng sulat sabay alok ke shehodang tulog ka, walang paki at nagbabakasakaling nagtutulog tulugan ka lang. Naalala ko pa ang exsena nung binigyan niya si manang na papel… aba! akala mong nakakita ng demonyo, ang pag-iling inam eh! kulang na lang mabali ang leeg eh sa dami ng iling na ginawa niya eh, tapos di man lang tiningnan ang sulat. Tsk! naawa ako tuloy kay manong kasi parang walang gustong bumili sa kanya, kaya nagprisinta ako na bibili sabay taas ang kamay at nagdialogo ng ganito “Isang pastilyas nga boy!!!" shonga din ako eh, Manong na nga eh boy pa, pa macho epek pa kasi eh, anyway, si manong lapit sa akin sabay ngiti at ilan daw? sabi ko isa lang at titikman ko, sabi niya sa totoo lang, gabi na daw eh kaya sampu na lang daw para maubos na at pauwi na din siya, kung may pera lang ako pinakyaw ko na yun at ng makauwi na siya at makapag pahinga na pero bumili na lang ako ng isa para tulong na din sa kanya. Swerte naman talaga ako at yung ibang pasarero nainggit at nagsibilihan na din, 3 na lang yata ang natira sa kanya at bumaba na siya ng tajero. 
 
       Pag uwi ko ng bahay, inalok ko kapatid kong babae, sabi ba naman eh, “Ano yan? pastilyas! bakit ganyan? sagot ko, Benta yan ni Mang Rey! akala ko wala ako maisusulat ngayon eh kasi pagod ako at ayaw yatang tumakbo ng utak ko kaso eto nga si pastilyas kaya nakaisip ako ng topic! sagot niya Ah ganon! bumili ka ng pastilyas para may i-blog ka! sama mo…” 
       O sige na! may tama naman siya pero gusto ko rin tulungan si Manong Rey, kaya pag nagawi kayo sa Cavite at napasakay siya sa bus nyo, bumili naman kayo o humindi ng maayos kung walang pera, tao siya na matiyagang nagtatrabaho, maayos naman sya, malinis at presentable, isipin nyo na lang kung kayo ang nasa posisyon nya?? paanong alok ang gagawin nyo eh lalaki pa naman, madali sana kung bakla at dadaanin sa tawa at mga joke joke joke nila, alam nyo naman ang mga bading ma-creative yan, hula ko ang pagtutuonan ng pansin nila eh ang itsura at packaging ng produkto, yung tipong Gold with Glitters ang tema with matching logo na PASTILLAS NI IVORY! MASARAP MALINAMNAM AT TALAGANG  BUSOG! AWWW!, tsk kainggit nga mga bading pagdating dyan kasi puro creative, eh ako! tomboy? paano ko iaalok yun? teka itry ko ang mga opsyon ko ha.
A. Pamaton ba?! -  Hoy Bili na ba! bumili kayo neto at kung ayaw nyo na madale kayo ha! (sabay patunog ng knuckles)
B. Pa cute? -  Miss bili ka na oh! para sayo mura lang! (sabay kindat at ngiti na pang starstuck)
C. Pa cool ba??? -  Yow yow yow! bili na kayow! pastilyas kow! mura na at malinis tow! brek it down!
D. Pa martir?!? - okay lang kung wag kayong bumili ang maghalaga ay nagtatry ako at di bale ng wag akong kumain, basta maka qouta lang ako ng tatlo neto ay okay na at may pangload na ang gerpren ko! eto na lang ang iisipin ko, para sa gerpren ko eto, para sa gerpren ko ito para sa.. ( repeat 1000x)  
at eto na siguro ang panalo!
E. Ang sobrang galang na tindera! -  Bili na po kayo po ng pastillas po! mura lang po ito po… may sampo at kense po,  bili na po kayo! mura lang po ito po at masarap po ito nakakasigurado po ako po.
hmmm.. siguro ganito ako, Iacting natin para maganda…  Exsena sa bus.. Action! sakay ako ng bus.. Tumingin sa pasahero (left to right) sabay sabing bili ng “Pastillas jan miss o! mura lang po masarap pa, sa magaganda dyan mas mura o baka libre pa dipende kung gano ka kaganda ka! kaya bili na o! bili kayo pastillas jan o! (sabay kindat sa babaeng mataba at mukhang gutom).” hehehe! charm lang yan eh, charm! charming kasi ang puwit ko eh! hahaha! hirap pa rin pala, pero in ferness naman ke manong… masarap siya ha, yung pastilyas! panalo naman kaya panigurado bibili uli ako ng marami sa susunod, yan eh kung magtagpo ang biyahe niya at biyahe ko….

______________________________
Note to Self: Magdala ka ng extrang pera neng! ang yabang mo pa na papakyawin ang dala niya eh kelan kaba nagdala ng pera aber! sampung piso lang nga eh pawis ka na sa kakahalungkat ng bag mo.
Note to Self: May isa pa neng!  sa gabi ka lang bumili at wag sa araw kasi may discount sa gabi yung tipong tira-tirahan na lang ang natira kasi naman kilala kita neng kuripot ka!!!
Lesson: Ano kaya natutunan ko dito? ah kung naisip mo na masaklap ang buhay mo ngayon, meron pang mas masaklap kesa sayo kaya wag ka mag-inarte! 
Mood: Dyus ko, isang blog pa at tatangalin na kitang mood ka! ke hirap punan eh… Masaya kasi busog! 

Tagged: buhaystoryabuspagkain

  1. itsrainening posted this